Saturday, April 23, 2016

Investing: OFW, Paano na?


Alam nyo, every OFW's dream is to go back home to their family at halos lahat kami, I'm sure, takot na umuwi dahil wala kaming income paguwi dyan.  Bihira naman sa mga OFW ang umuwi na secured sa pinas.  Karamihan, nganga, hindi alam ang gagawin, magtatry na magnegosyo konti pero kapag hindi nag work out nganga pa rin tapos para hindi magutom ang pamilya, babalik sa abroad then back to square one, OFW ulit.  

Pero ang iba, nagiipon para pauwi nila meron silang magagamit na pera pang negosyo and if di mag workout ang isang negosyo, meron pang ibang paggastos, pati pang emergency fund and everything. Pero matagal na process din yan.  Lalo na kung nagpaparal ka ng mga anak, nag susutento sa may sakit mong magulang.  Hindi basta basta makakaipon ng malaki though its POSSIBLE, yes everything is possible.  Nasa diskarte din ng tao.  At bilang FIlipino, natural naman tayong madiskarte.  Sa totoo lang, I believe yung mga Filipino na di nag succeed eh yung mga kulang lang sa diskarte because we are born with full of talents at natural na talino.

Ang iba naman, nagnenegosyo muna habang nasa abroad pa sila.  Tapos kapag maayos na ang negyosyo at kumikita ng ng maayos, enough to sustain a family, saka sila uuwi para sila na rin ang mamahala ng negosyo nila.  This also is not easy to do.  Lakasan din ng loob.  Kasi una, kailangan mo ng taong mapagkakatiwalaan mo na mag manage ng negosyo mo habang wala ka pa at taong makakatulong mo na gumawa ng mga bagay para sa negyosyo mo na hindi mo magawa kasi nga nasa abroad ka.  Pero gaya nga ng sinabi ko, everything is possible sa taong gusto. 

Katulad ko.  Ganyan ang ginagawa ko ngayon. I have started investing a few years back, hindi pa masyadong malaki pero meron, and now I have started an online fashion shoppe.  Well I have just started  kaya di ko pa rin masabi ang end result but I am very positive it will work and I wont stop with that.  Small business one at a time.  Lakasan din ng loob.  Syempre may perang involved, tiwala at higit sa lahat ang pinakamalakas kong sandata, ang nagpapalakas ng loob ko, DASAL sa poong maykapal!

Masarap makapiling ang pamilya.  Sa walong taon ko dito sa Dubai, every once in a while na ho-home sick pa rin ako, kahit pa nga kasama ko ang asawa ko at dalawang kapatid ko pati na rin ang sister-in-law ko dito sa abroad, iba parin talaga ang nasa Pilipinas ka.

Sana lahat kaming mga OFW ay makauwi ng secured.  Ngayon pangarap pa lang para sa akin, pero alam ko darating din ang araw na yun.  God Bless everyone!

Oo nga pala, visit my online shoppe at http://bit.ly/1U6JVG6

-soarhighpinoyinvestor-

No comments:

Post a Comment