Malapit na ang election. Ilang araw na lang ba? 14 days to be exact. Mula ng magsimula ang election campaign, isa lang talaga ang napansin ko, sandamakmak ang nagaway, nagkasamaan ng loob, naghiwalay (exaggerated lang?!), nagparinigan at higit sa lahat nanira sa kapwa Pilipino. Ganito na ba talaga tayo? Well yes, aaminin ko, guilty ako on posting some negative ads about sa candidate na ayaw ko. The truth is, naiinis na ako sa isang friend ko sa FB, panay panay post ng pangit sa candidate ko, but then, after a while I have realized one thing, IT'S NOT WORTH IT, never was, never will. Bakit kamo? isa isahin natin ha (o baka naman isa lang talaga ang rason).
The biggest question, MAY NAPALA KA BA? May napala nga ba ako nung mag post ako ng pangit sa ayaw ko na kandidato? Well bukod sa mangilan ngilan na likes, or paminsan may comment, overall WALA, NONE, NAH, NEGATIVE. So overall, nabago ba buhay ko? Well last time I checked OFW pa rin ako at ito nag tatry mag business at ako pa rin ito. Nothing new.
Kilala ka ba, personally, nung candidate na pinagtatangol/sinisiraan mo? Most of us hindi. Sa dami dami ng Pilipino impossible naman na lahat na lang ng nakikipag away para sa kandidato nila or lahat na lang ng siniraan mong kandidato eh kakilala ka personally. So why bother? Mapapasalamat ba sayo kandidato mo, "Hey, Enah, thank you for defending me on facebook ha, you're the best!" wala namang ganun di ba. Or sasabihin ba sa akin ng ayaw ko na kandidato na "P*t&^%na ka, lakas mong manira tigas ng mukha mo ha." Hindi naman di ba. Ni hindi nga nila alam that I exist. So again, we go back to #1, MAY NAPALA BA AKO? Again, wala.
Pagtapos ng election, kapag nanalo/natalo kandidato mo, ano na? Kung inaway mo ang bestfriend mo, boyfriend/girlfriend mo, asawa mo, magulang mo, kapatid mo, pinsan, kapitbahay dahil lang hindi niya gusto ang kandidato mo, sumaya ba buhay mo? Hindi ba pagkatapos ng election balik naman tayo sa dati. Kahit sino pa ang manalo - Miriam, Rody, Mar, Grace or Jojo. Back to normal tayo. Umaasa man tayo na may mabago sa gobyerno pero kung wala, o kung medyo matagal mangyari ang mga pangako na madalas eh napapako, gigising pa rin tayo sa umaga hindi naman para sa kanila eh, kundi para sa pamilya natin na TAYO ang presidente. Kasi sa atin sila umaasa (well not unless sa Malacanang ka titira sa tunay na presidente ka talaga aasa), pero hindi naman di ba. Pagkatapos ng election, matapos ng lahat ng mga pangit na sinabi mo sa kaibigan, kamaganak, kapitbahay mo at the end of the day wala naman talaga tayong ibang aasahan kundi mga sarili lang din natin (at si Lord syempre), dahil ang totoo kung gusto natin ng pagbabago, dapat magsimula sa sarili natin. So back ulit sa #1, MAY NAPALA BA AKO? wala nanaman.
Instead na magaway away tayo, magsiraan, magmurahan at kung ano ano pa, bakit hindi na lang natin isipin kung ano nga ba ang pwede nating gawin on our own, para naman mapaganda ang buhay natin bilang mamamayang Pilipino.
Marami naman tayong pwedeng gawin, una at higit sa lahat, matuto tayong sumunod sa batas. Yun ang pinakamalaking problema nating mga Pilipino. Matigas ulo natin. Masyado tayong mademokrasya to the point wala tayong pakialam sa batas tapos ano, aarte tayo na parang inapi kapag ayan na, nahuli na tayo sa illegal/maling gawain natin. Ultimo pagtawid sa tamang lugar hirap nga tayong sumunod eh, tapos tayo pa ang may lakas ng loob na magreklamo kapag nahuli tayong jaywalking or illegal parking or swerving at kung ano ano pa.
Huwag natin iasa lahat sa gobyerno ang mga bagay bagay sa buhay natin. Kahit anong ganda ng programa nila kung may hindi marunong sumonod sa tamang processso, wala pa rin. Magulo pa rin. Disiplina ang susi sa lahat.
I could only wish the best for all of us. I pray that whoever wins will do what is best for the Filipino people and not just for the few. I want a safe progressive country. It can be done, by any of them if only we will also do our share.
Let us stop hating each other just because we don't agree with each other's opinion. Vote whoever you want to vote, it's your right anyway and respect the opinion of others too. Isipin mo, PILIPINO ako, kahit sino pa ang presidente ko. Yan tayo dapat.
May God Bless us all!
Siya nga pala, bilang ako pa rin ito, kahit sino pa ang maging presidente ng Pilipinas kong mahal, visit my site Margueritte's Fashion Collection http://bit.ly/1U6JVG6
Thanks!